(Spoken Poetry) Nangarap ako ng isang masayang Pamilya. Happy Family kung kami ay tawagin. Sinikap ko na maging maayos. Ngunit sabi nga nila kung hindi ukol hindi bubukol. Kung para sayo, para sayo, anuman ang mangyari. Maraming naganap. Ilang taon din naman ang naging pagsasama. Kadalasan mga araw naging maligaya dahil kasama sya. Buo ang pamilya. Pero kahit ano pa ang gawin mo kung magluluko, magluluko, kung mang iiwan iiwanan ka talaga. Nagmakaawa ka na, nagpakababa pa, sa huli ikaw pa nga ang may sala. Masyadong masakit hanggang ngayon ramdam na ramdam pa. Panahon na ang lumipas, mahaba na pala. Pero damang dama dahil sobrang lalim pala. Andun ang takot hindi lang para sa sarili pero para rin na rin sa anak Sa tuwina ang saya parang pilit na lang. Nakikita mo kasi sa mga mata ng anak mo ang lungkot. Nararamdaman mo ang kanyang lumbay. Nasasaktan ka kasi pakiramdam mo parang wala na syang pangarap. Takot na takot ka na ang tanging nagagawa mo na lang ay umiyak. Bakit nga